Museo ng Sapatos sa Lungsod ng Marikina

Matatagpuan ang Museo ng Sapatos sa Lungsod ng Marikina. Ang lungsod ay nakilala sa paglikha ng magagara at matitibay na sapatos na ang yari ay gaya ng mga sapatos na galing sa ibang bansa.

Nagsimula ang kabuhayang pagsasapatos sa lungsod dahil sa kagagawan ni Ginoong Laureano Guevara o mas kilala sa tawag na Kapitan Moy. Siya ang tinatawag na Ama ng Industriyang Pagsasapatos.

Siya ang kauna unahang naglunsad ng kabuhayang ito sa mga Marikenyo, sa tulong nina Ginoong Tiburcio Eustaquio, Ginoong Ambrocio Sta Ines at Ginoong Gervacio Carlos. Galing sa isang marangyang pamilya, nakabili sya ng sapatos sa Maynila at ginawa itong ehemplo para mapag aralan nila ang paggawa dito.

Noong 1950 ay itinanghal ang Lungsod ng Marikina bilang “Shoe Capital of the Philippines”.

Nakilala ang Lungsod sa paggawa ng matitibay at murang sapatos. Tinatangkilik ang mga sapatos na gawang Marikina magpasahanggang ngayon. Subalit hindi na kasing unlad tulad ng nakaraan dahil sa napakaraming impluwensiya ng mga sapatos na galing sa ibang bansa.

Balikan natin kung paano ang paggawa ng sapatos noon sa pamamagitan ng mga larawang ito.

Hulma

Gamit ng mga Sapatero

Iba’t ibang materyales

Sa loob ng museo ay makikita rin natin ang iba’t ibang klase o disenyo ng sapatos mula sa iba’t ibang panahon.

Narito rin ang mga sapatos ng mga sikat na tao sa lipunan.

Naririto rin sa museong ito ang ilan sa mga sapatos ng asawa ng dating pangulo ng bansa na si Ginang Imelda Marcos. Nakaayos ito ayon sa kulay.

Ang tiket para makapasok sa museo ay 50 piso lamang. Maganda sa ating henerasyon na makapunta at masilayan ang museo para sa karagdagang kaalaman.

You may also like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *